Monday, August 1, 2011

Phil'ed Trip: A Fun-filled Day Encountering Philippines.


Nakakatamad, nakakabagot, hindi interesante : ganyan ko ilarawan ang mga museo noon. Para sa akin, ang pamamasyal sa museo ay isang gawaing hindi ko magugustuhan; gawaing hindi ko kaliligayahan. 


Isang aktibidad sa klase ang nagpabago sa perspektibo kong ito. Ika-22 ng Hulyo ng taong kasalukuyan, lumuwas pa-Maynila ang klase namin sa Philippine Government at Philippine Literature. Nag-alinlangan pa ako kung sasama ba ako o hindi dahil una, dagdag gastusin lang ito, at pangalawa, alam kong hindi ako masisiyahan sa mga ganoong klaseng paglalakbay. Mabuti na lamang at sumama pa rin ako sa kabila ng mga agam-agam ko dahil kung hindi pala ay napakagandang karanasan ang napakawalan ko.


Tatlong destinasyon ang nilibot namin: ang Ayala Museum, ang National Museum, at ang Intramuros.


First Stop : Ayala Museum
Una naming tinungo ang Ayala Museum. Ito ay matatagpuan sa Makati Ave. cor. De La Rosa St. sa lungsod ng Makati. Itinuturing ito bilang isa sa mga pinakamahahalagang pribadong institusyon sa bansa sa larangan ng sining at kultura. Bilang pribadong istitusyon, kinakailangan naming magbayad upang makapasok. Dahil mga estudyante kami ay mayroon kaming diskuwento. 


"Panalo!" , ekspresyong bumulong sa aking isipan nang makarating kami sa Ayala Museum. Bukod sa  elegante at pabuloso nitong dating, ilang hakbang lamang ang layo nito mula sa Green Belt malls, na kilala na pasyalan ng mga sikat na personalidad, na syang nag engganyo sa akin na gumala panandalian dito pagkatapos naming magmasid sa museo para maranasan ko naman ang pagiging susyal. Hahaha!

Sa kauna-unahang pagkakataon, sa ilang beses ko nang pagbisita sa iba't ibang museo, sa Ayala Museum ko lamang nalaman ang tamang pag pasyal sa isang museo. Isa sa mga bantay sa museo ay pinayuhan o sabihin nating sinabihan kami ng tamang pagpasyal sa isang museo, na kung saan ang unang dapat tunguhin ay ang pinaka-itaas na palapag, pababa. Pero sabi naman niya ay ayos lang, pero mas rekomendado niya iyon. Kaya naman sinunod namin ito dahil mababait kaming mga bata... Hahahah!

Sa kasamaang palad, ipinagbabawal ang pagkuha ng mga larawan sa loob ng museo. Pero dahil mababait nga kaming mga bata, hindi kami nagpaawat. Hahah!

Level 4 : 


Gold of Ancestors:CROSSROADS OF CIVILIZATIONS
 Narito ang mga pinagmamalaki nilang ginto na nahukay sa iba't ibang parte ng bansa. Dito rin makikita kung gaano kayaman sa ginto ang Pilipinas noong unang panahon. Mayroon din silang espesyal na palabas tungkol sa mga natitira at pinangangalagaang yaman ng mga sinaunang Filipino gaya ng polseras, kwintas, singsing, tiara, banga (na nagsisilbing ataul ng mga mayayamang mamamayan noon) at iba pang mga bagay na gawa sa ginto.



Embroidered Multiples & A Millennium of Contact

Dito ay mamamasdan ng bawat turista, istudyante at kahit sinong bisita ang yaman sa sining ng mga Filipino pagdating sa larangan ng paghahabi at pagpapalayok. Nakakagulat na makita na may sense of fashion na pala ang mga unang Filipino. Na sa kabila ng kakulangan ng teknolohiya noon ay nakalikha pa din sila ng mga kagila gilalas at kamangha manghang mga bagay.

Ceramics Study Center
"Madilim, masukal.. At.. "Mapanganib!? Hahah! Nasabi ko lamang ito dahil paghantong namin sa kwartong ito, ay medyo madilim. Siguro ay iniingatan lamang nila ang ibang obra dito mula sa pagkakupas dahil sa liwanag. Dito mamamasdan kung gaano kagaling ang mumunting kamay ng mga Filipino sa paglikha ng mga maliliit na detalye ng bawat obra.

Level 3 : 
Pioneers of Philippine Art
Dito ay matatagpuan ang mga pamoso at pabulosong mga obra ng mga tanyag na pintor gaya nina: Juan Luna, Fernando Amorsolo at Fernando Zobel.

Maganda, masaya at nakakaaliw pagmasdan ang mga obrang iyon. Hindi ko maipahayag ang aking nadarama habang pinagmamasdan sila. Hindi naman ganoon kataas ang aking artistic sense, pero.. Iba pa din eh!

Isa pa nga pala, nais ko lamang malaman mula sa iyo, kung iyong napapansin ang ikalawang litrato ng babae sa itaas (na naroon sa museo mismo), sino nga ba ang kahawig niya? Para sa akin kasi, nakikita ko sa kanya si Ali Sotto. Ikaw? Sinong nakikita mo? Si Alice Dixon?  K.


Dito rin matatagpuan ang pinakamapansinin na bantay ng museo. Lahat ng aking mga kasamahan ay nariringgan ko ng reklamo. Bawat isa sa kanila ay naghahanap ng suggestion book na gaya na lamang ng makikita sa ikaapat na palapag upang makapag-reklamo.

Level 2 : 

The Diorama Experience
Dito ay makikita ang makulay at malikhaing representasyon ng kasaysayan ng Pilipinas. Mula sa senaryo ng mga sinaunang tao, hanggang sa pagsakop at pagkalaya natin sa Iba't ibang dayuhan. Makikita din dito ang iba't ibang malalaking larawan na nagpapakita ng iba't ibang personalidad, lahi at iba pa. Dito ko nalaman na ang tangkad ng mga Ita ay 4'9" na sya ring tangkad ng ating pambansang bayani na sya naman umabot sa 5'2" dahil sa kanyang boots. Hahaha! Wala akong sinabi! Hahaha


Maritime Vessels
Habang nasisiyahan sa pagmamasid sa Diorama Experience ng museo, unti unti mong malalanghap ang simoy ng kasaysayan.. Ang amoy ng antigong kahoy na ginamit upang malikha ang Maritime Vessels na ito. Na sya namang nagpasakit sa sensitibo kong pang-amoy.

Revolution Revisited
Habang nasisiyahan sa pagmamasid sa Diorama Experience ng museo, unti unti kang makakarinig ng ingay na para bagang may isang malawakang pag-aalsa sa labas ng gusali. Ito ay dahil sa Revolution Revisited na itinatampok ng Ayala Museum. Dito ay tila baga mamasdan ang aktwal na senaryo noong unang People Power.



Level 1 : 
El Guernica Ekphrasis
Ito ay matatagpuan sa likod ng mga Receptionist. Dito ay masisilayan ang mga obra na tila baga magpapamangha at susubok sa iyong kritikal na imahinasyon upang intindihin ang bawat isa.

After the first stop...


     Masaya, nakakatuwa at nakakaaliw.  Bawi naman ang bayad namin sa pagkabusog ng aking mga mumunting mata sa aking mga namasdan. At, nakalibre gala pako sa Green Belt 3, 4, 5 at 6. Malas lang dahil di na ako umabot pa sa iba pa dahil papaalis na kami. 




At.. Dahil sa sobrang kabaitan namin, narito ang ibang mga litrato na aking naipuslit. Dahil nga mabait ako. :)






Second Stop : National Museum



Sunod naman naming pinuntahan ay ang National Museum. Ito ay matatagpuan malapit lamang sa Rizal Park at di rin kalayuan sa Intramuros. Ito ang itinuturing na opisyal na taguan ng mga artifact o labi na may kaugnayan sa kasaysayan at kalinangan ng Pilipinas.



Pagdating sa Pambansang Museo ng Pilipinas, agad akong nagalak, sapagkat muli ay masisilayan ko ang lugar kung saan kami nakapagsamasama muli ng aking mga kaibigan noong highschool. Sa kasamaang palad, nagkamali pala kami ng pinuntahan, dahil sa kabila pala kami dapat pumasok. Sa National Museum pala dapat kami pumasok. Ngayon tanggap na tanggap ko na : magkaiba ang National Museum sa Pambansang Museo ng Pilipinas. Hahah!


Astig! Walang gaanong mahihigpit na patakaran at bantay sa paligid. Malaya kaming nakakakuha ng mga larawan at malaya naming nalalapitan ang mga tampok na eksibit. Masaya dahil bukod sa dulot nitoy pagkabusog ng aming mga mata at isipan ay nag bigay din ito ng pagkakataon upang kami'y makapag saya ng aking mga kamag-aral.

National Museum: Bonding with my Friends
Narito ang ilan sa aming mga kuha sa National Museum..


Last Stop : Intramuros


Bata pa lang ako ay marami na akong naririnig tungkol sa Intramuros. Porke maganda daw doon at maraming pader, kaya nga daw ito pinangalanang gayon dahil ang ibig sabihin ng salitang Intramuros ay "within the walls" o "sa loob ng mga pader". Naging tanyag ang Intramuros dahil hanggang sa kasalukuyan ay sinasalamin pa rin nito ang Maynila sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Matatagpuan ang Intramuros malapit sa Manila Bay at sa Pasig River.

Pagkatapos ng naunang dalawang destinasyon, dama ko na pagod na ang iba kong kasamahang KJ. Di na nila kaya dahil sa kanilang sobrang timbang (sa aking palagay). Ngunit ako ay di pa nilulubayan ng aking hangaring matuto. Kaya kung kani-kanino na lamang ako sumama upang makapag libot. Sa kasamaang palad, ang iba sa kanila ay walang camera kaya hindi namin nakuhaan ang ibang magagandang tanawin.

Narito ang ilan sa mga tampok na tanawin sa Intramuros:
Statue of King Carlos IV of Spain in Plaza de Roma

Casa Manila (courtyard)
Maganda sana kaso wala kami. May bayad kasi ito. At dahil sa aming kagustuhan o pag-iwas sa aming pag-gastos di na namin ito pinuntahan pa. :)

Main gate of Fort Santiago
Ahhh.. Fort Santiago~ Sa totoo lang, paborito ko rin itong lugar na ito dahil sa dito bumabalik ang mga highschool memories ko. Kasama ang aking barkada at aking matalik na kaibigan. Nais ko sana muling pumasok, pero muli ay may bayad. Dahil sa bayad at sa alanganing oras, nawala na rin ang gana ko pang pumasok.

San Agustín Church, a UNESCO World Heritage Site
Dito kung saan namin ipinarada ang aming sasakyan. At! Nasaktuhan namin ang isang magandang kasal! 
Manila Cathedral, facing the main square of Intramuros
Naalala ko noong gumawa kami ng proyekto sa Filipino1 nakapasok kami dito at nakakita ako ng kakaiba at natatanging instrumentong pangmusika. Ngayon, sa kasamaang palad, noong araw na kami ay bumisita, ito ay sarado.

Ruins of Baluarte de San Diego
Mala Gladiator! Haha!

calesa parked in front of Manila Cathedral
Kung may ekstra pa kayong pera, maganda kung susubukan ninyong sumakay dito. P20 lang! :)





All in All : Discover Fun, Discover Friendship



Mga Larawan Mula sa : 
http://wikitravel.org/en/Manila/Intramuros
http://www.ayalamuseum.org/
http://www.facebook.com/media/set/?set=a.263865650294351.86016.100000127555640

1 comment:

  1. romeo, 350 ang calesa ride

    ideas and content 5
    organization 5
    mechanics 5
    total 15/15

    ReplyDelete